Wednesday, March 10, 2010

Sine irita

Wala akong magawa sa office kahapon kaya umuwi muna ako sa bahay.

Bigla kong naisip na tingnan sa internet kung ano ang showing na movies.

Available parin ang "Percy Jackson, The Lightning Thieft", next shows will start at around 2:40 pm, and t'was 2:25 pm.

Tinawagan ko si Garampingat if he likes to watch the movie, pero walang sagot, I dont know if he was in his work or sa bahay at me lalaki na naman, or ganun talaga iyon pag feel niyang hindi sagutin ang tawag.

I striked my phone keypad to inform kabit, at nalaman ko lang ang reply niya after ng palabas.

Ulan: " Nood ako ng movie kasi last day ng lightning thief, 2:40 ang simula, wala ng panggabi na sked."

Kabit: "No problem kahit hindi kana lumabas jan. Paglabas mo lipat ka pa sa ibang palabas, no problem. Enjoy hanggat meron pa."

Nagpanting ang tenga ko, namula ang pisngi ko, kumulo ang dugo ko, nag-init ang pakiramdam ko.

Hindi ko gusto ang sagot ni kabit.

Ulan: "Kung gusto mo di nalang ako uuwi hanggat nandito ka, doon nalang muna ako sa loob. Ok ba iyong boy ungas?"

Kabit: "Hay naku, kaawaan ka ng diyos."

Mag-aalas singko palang kaya dumiritso na muna ako sa office, naisip ko, bukas pa ang ilaw ang PC ko dun.

Dahil narin sa imbyerna ko kay kabit. nagbasa na muna ako ng facebook, ng blogs ko na hanggang ngayon ako lang ang si garampingat ang masugid na tagasunod.

Ilang beses siyang tumawag pero di ko sinasagot, sa mobile ko at pati sa landline ng office ko.

Siguro nawari niya galit na nman si waray.

Dalawang oras din ako sa office bago umuwi ng bahay, its a walking distance lang, 1 minute kung tatakbo-lakad, 3 minutes kung normal walk. 5 minutes kung may kasamang emote at fashion show...

Nakabantay na pala sa baba si kabit.

Hindi makuhang magalit dahil nakita niyang nakalamukos ang mukha ko, at wala siyang karapatang magalit.

No comments:

Post a Comment