Wednesday, April 21, 2010

Paglisan mo May Luha ang Mata Ko

April 20, 2010.

Qatar Airways.

Departure: Dubai to Manila 11:45 am Dubai International Airport.


Arrival: Manila to Dubai ????


Hindi ko naramdaman na magsaya ng todo ng dumating ang araw na ito.

Ngunit hindi rin ako nagngangangawa ng bongga dahil iiwanan na ako.

Basta ang masasabi ko, nahirapan akong matulog kagabi.


Kahit nanonood ng tv, mukha niya ang naaaninag ko.

Sabihin ko mang nawala ang pagmamamahal ko dahil sa mga dumating na kalamidad sa buhay namin, naging kasama ko parin siya, minahal at inaruga.


Hindi ako umiyak, may kunting patak lang, pero ang puso ko, nagsisigaw sa iyak.

Hindi ko man naranasan na maghalo ang sipon laway at luha, pero ang puso ko, isipan at pananabik, parang sukang isinaboy sa aking diwa.

Malaya na ako, malayo na siya.

Magsisimula akong muli simula sa una, pero siya kaya bang hanapin ang unang hakbang sa kinabukasan?

Nalulungkot ako, pero sana ngayon lang...

Thursday, April 15, 2010

Sisikat Din

Two weeks notice... hindi ito movie kundi 2 weeks na akong hindi nakakapag blogs.

Wala akong maisulat, marami akong naiisip.

Tuliro lang ang aking isipan.

Sa mga nagdaang pangyayari, ayoko munang umeksena.

Pero ito lang masasabi ko, darating din ang umaga, magandang umaga, maaliwalas, walang pangamba.

Sana sa pagsikat ng araw sa April 20, 2010, maramdaman ko ang tunay na sinag ng araw, marikit, malamyos,kaakit-akit.