Monday, March 15, 2010
Kapag Inlove Ka
In love ang ate ko.
Bihira lang kaming magkita at magkasama, at paminsan-minsan lang kaming nag-uusap sa phone or chat.
Last Saturday night, I invited him for a dinner in my new place.
Abot-tanaw lang ang pinapasukan niya sa gusaling tinitirhan ko.
I prepared pritong galunggong, at paksiw na mackerel na nilagyan ko ng talong.
Ilang linggo narin akong hindi nakakakain ng isda, laging de-lata at noodles.
Habang kumakain kami, kinukwento niya ang kanyang lovelife.
In love na naman ang ate, sa taong minsan lang niyang nakilala at nakausap.
Pero ayon sa kanya, mabait at maalalahanin. He believes in "love at first sight".
Minsan ko rin lang nakita ang lalaking iyon.
Masaya ang ate habang nagkukuwento, may kilig pa at minsan napapahagikhik kapag naaalala ang mga gabing naglunoy sila sa sarap at tuwa.
Ang payo ko lang sa kanya, huwag magpakalunod sa pag-ibig, unahin parin ang sarili, at huwag magli-live in.
Marami akong gustong ikwento tungkol sa buhay niya pero hindi pa lumalabas ang pagiging nobelista ko.
Basta ang masasabi ko lang, kahit bihira lang kaming magkita, bihira lang kaming mag-usap, maganda naman ang pakikitungo niya sa akin, magaling naman siyang makihalubilo sa karamihan.
Iyon nga lang, takaw-pansin ang ganda niya, dahil siya ay naiib, mestiza chinita. Pero ako walang halong inggit.
Tawagin nalang natin siya sa pangalang Doktora Ligaya.
Go girl, para sa iyong kaligayahan, suportahan taka.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment