Tama nga ba na ang pag-ibig ay "against all odds?"
Tama kayong lahat.
Ang pag-ibig ay walang silbi, walang kwenta at walang kabuhay-buhay kung walang drama.
Ang pag-ibig ay laging labag sa kalooban ng ibang tao lalo na at madrama.
Nagiging makulay ang buhay kung mayroong drama, lalo na pighati, kalungkutan at sakitan.
Sa palagay niyo na walang away ang mag jowang singtamis ng strawberry ang lablayf sa mata ng tao?
Baka nga mas malala pa kung mag-away sila.
Infairness sa lablayf ko, madrama talaga, at ito'y bukas na libro sa nakararami, hindi lang parang bukas na libro kundi bukas na siya, nawawala pa ang cover, pati ibang pahina, pinunit narin para hindi na maibalik ang kwentong di kaaya-aya.
Pero kahit punit na at hindi na makita, nabasa na ng ibang tao, naitatak na sa kanilang mga isipan ang aking lab estori.
Parang Romeo & Juliet, Samson & Delilah, Ennis del mar & Jack Twist.
Ang pag-ibig ay hindi dapat idikta ng ibang tao.
At mas lalong hindi naididikta ng dalawang taong nagmamahalan.
Kung anuman ang dumating, dahil iyon ang dumating.
Kahit anong panlalait o panlilibak ng iba tungkol sa pag-ibig ng dalawang taong nagmamahalan, hanggang doon lang sila.
Hindi nila kailangang sabihin kung ano ang sa tingin nila ang tama.
"Hiwalayan mo na iyan, layasan mo na..."
Kahit gustuhin ng isa na makipaghiwalay kung ayaw naman ng isa.
Iyon nga lang, ang tingin ng ibang tao, masyado lang madrama.
Ang kaibigan ay nandiyan para gabayan at bigyan ng payo...huwag naman iyong nilait na nga, pinabayaan pa... at tingin sa iyo isang basahan na di dapat linisin dahil nakakasira sa kanilang dangal.
Hindi ko hinangad na kaawaan nila, at mas lalong hindi ko inisip na magpakumbaba.
Gawin man nila akong laman sa kuwentuhan, kung doon sila masaya, ok fine.
Eto pa ang matindi, bakit ang mga kaibigan, mas alam pa nila ang nangyayari kesa sa dalawang nagsasama?
Sana lang, sa muling pagbabago, magbago na rin ang kanilang pananaw.
Kumbaga, walang iwanan.
Kumbaga, "a friend in need is a friend indeed".
Huwag mabuweset sa mga nangyayari, bagkus ipakita parin ang iyong suporta kahit abot hanggang sukdulan na ang kabuwesetan sa iyong kaibigan.
Dahil, ang pag-ibig na "against all odds" ay hindi lamang nangyayari sa isang kaibigan, kundi tayong lahat makakaranas ng ganyan.
Malay niyo, mas malala pa pala ang nararanasan niyo, magaling lang kayong magtago.
Sunday, March 28, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment