Remember Jay?
Nagkita ulit kami sa kaarawan ni Princess Urduja.
My friend T’boli picked us up, and of course kasama si Kabit and by 7:00 PM we reached the vicinity of a party.
From gate down to the aisle, bongga ang presentations, may mga sulo, at marami naring visitors na hindi ko kilala.
When I introduced to them, taga Dubai daw sila, mga kabarangay ni Urduja sa Mindanao.
I recognized some of them like Baby rose and Poloy.
But what I care about that night was Jay.
Alam ng lahat na merong namamagitan sa aming dalawa at alam ko ring nararamdaman iyon ni Kabit. But pardon me, wala pang nangyayari sa amin.
In the corner of my eyes, I was staring at Jay. Nakasunod sa akin si kabit kahit saan ako magpunta.
Gusto ko sanang kausapin man lang o batiin pero umiwas narin ako dahil iba ang mangyayari kapag ginawa ko iyon.
Maraming pagkain, bumaha ang alak, pero binagyo sa dami ng mga lalaki.
Nababanaag ko ang tuwang nadarama ni Garampingat, marami na naman siyang mabibiktima.
Para siyang bampira na walang sasantuhin kung sinu man ang gustong kagatin.
Sa gabing iyon, hindi masaya ang ‘man of his life’, patungan ba naman ang lalaki kahit nasa harap iyong lalaki niya.
Well, balik sa akin, I find Jay even gorgeous sa suot niyang green shirt, at clean cut niyang hair. I love green ya know.
Pero wala akong magawa kundi pagmasdan nalang ang kanyang alindog. Meron ba siyang ganun?
Sa tuwing iniaabot niya sa akin ang tagay ko, (oo tagay ito, parang mga tambay sa kanto na nakikipag inuman sa mga sunog-baga), dumadapmi ang kanyang mga daliri sa aking mga kamay.
Hindi ko alam kung pagkakataon lang o sadyang dinadampi niya ito, at sa tuwing dampi, sinasabing…”musta kana mahal ko?” o kaya’y, “ang ganda mo ngayon, mahal ko.”
Pero wala akong naririnig na ganun, o baka masyadong mataas lang ang ilusyon ko sa kanya kaya pati mga titig niya ay binibigyan ko ng kahulugan…ng masamang kahulugan, parang sinasabing..”Bakit kasama mo iyang kabit mong iyan?” “gusto mo bang upakan ko na iyan.”
Pero binibigyan ko lang siya ng masarap kong ngiti na parang sinasabing…”Hayaan mo na mahal ko.”
Lumipas ang mga oras na walang pag-uusap ang nangyari. Titig at dampi lang, ewan ko rin ba kung nakatitig ba sa akin e madalim sa mga oras na iyon.
Grabe talaga ako mag-ilusyon.
O baka naman, ayaw na talaga sa akin dahil sa ako’y may kabit?
Sinabi ko na sa kanya noon na ayoko muna ng gulo, kaya pinangatawanan niyang huwag gumawa ng gulo.
Habang nagkakasiyahan kami, inuman, videoke, napansin ko, nawawala siya.
Naisip ko baka nasa toilet, jumijinggle or worse tumatae.
Ngunit ang nagpakabog ng dibdib ko ay hindi ko rin makita si Princess Urduja.
Napag-alaman ko noon kay Garampingat na gusto rin yata ni Urduja si Jay.
Dumaan ang ilang minuto, hindi ko parin nakikita.
Pinipilit kong maging masaya, para hindi naman mahalata ni kabit na nanginginig ako sa sobrang selos.
Bakit nga pala ako magseselos? E hindi naman kami, diba?
Pero ako, umaasa akong sa pagkawala ni kabit, magiging kami ni Jay.
Ilang minuto ulit ang lumipas, nakita ko narin siya sa wakas.
Lumabas galing sa kwarto ni Urduja.
Nagpapaalam na sila dahil maaga ang pasok kinabukasan.
Ang ikinatulala ko, lumabas din mula sa kuwarto si Urduja.
Ilang minuto ko ring minatyagan kung meron pang lalabas na tao, pero wala na.
Kaya pala kanina.
Naisip ko, baka isang special gift lang ang ibinigay ni Jay sa kaarawan ni Urduja.
Tuesday, March 23, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment