Wednesday, March 17, 2010

I am sorry


“Sorry seems to be the hardest word” but for him it’s so easy to say I’m sorry.

If someone confronted you, your shield is denials, kapag nasukol ka, walang ibang gawin kundi aminin ang kasalanan at mag-sorry.

Ganun lang ba kadali ang magsabi ng sorry?

Pero paano mo maibabalik ang tiwala ng isang tao kung paulit-ulit mo ng ginagawa ito sa kanya?

Hindi ko akalain na magagawa pala ito sa akin.

Nakakahiya para sa kaibigan ko ang ginawa niya.

Nong una, hindi sa binalewala ko, but I asked him to begged her and say sorry for what he did to her. She is my friend.

Second, kelan ko lang nalaman, siguro sa guilt narin ng isa ko pang friend, kaya sinabi na niya ang ginawa sa kanya.

I was shocked, but never felt jealous nor mad to my friend.

She told me exactly what he said to her, and to make me believed, pinakita sa akin ang mga text niya sa kanya.

That was valentines day this year. Sariwa pa.

Umuwi akong hindi nagpapahalata. Kumain, nanood ng tv at natulog ng hindi ko siya kino-confront.

Pero kinabukasan, di ko na napigilan ang sarili ko.

Sinabi ko na ang lahat ng nalaman ko, noong una, he denied everything.

Pero pag alam niyang mali siya at nasusukol na siya, hindi na siya umiimik.

Nagpaliwanag siya, sinisisi pa ako kung bakit niya nagawa iyon.

Pero huli na, sinira na niya ang tiwala ko sa kanya, nawala na ng tuluyan ang kakarampot kong naramdaman.

I told him its getting over between us.

Pero hindi madali sa kanya na basta nalang mangyari ang gusto kong mangyari.

Hindi ko alam kung ano pa ang kayang niyang gawin.

Basta ako, ayoko na.

Kahit mahirap sabihin, kahit mahirap bigkasin… I said, ‘SORRY’ nalang.

No comments:

Post a Comment