Sunday, March 21, 2010

Retokada

Bakit kailangan pang magparetoke ang magagandang artista?

Maraming mga taga industriya ng pelikula ang dumaan sa kamay ni doctor para mas lalong maganda, mas lalong kaaya-aya.

Huwag na nating isali yaong mga boldstar kasi hanggang doon nalang sila.

Maniniwala ba kayong si GMA ay hindi pinalampas ang breast augmentation?

Ayon lang din ito sa aking mga kaibigan na walang ginawa kundi pakialaman ang buhay ng iba.

Ako rin nakikialam, pakialamero din ako sa madaling sabi.

Maraming dapat na magparetoke sa mga artista pero di ko mawari na sila pang nabiyayaan ng kagandahan ay gustong baguhin o sa madaling sabi gusto nilang sirain ang maganda na nilang mukha.

Sinu-sino ba ang may karapatang magparetoke?

Mahal, Joy Viado, Beverly Salviejo, isama narin natin ang mga reyna ng kwela na sina Ai-ai delas Alas at Eugene Domingo, at marami pang iba.

Huwag kalimutan si Chocolate, Philip Lazaro, Allan K, Enday Garutay, Roderick Paulate, at isama narin natin is Mike Enriquez.

Ngunit hindi nila nagawang baguhin ang kanilang mga mukha dahil iyon ang nagbibigay ng pera sa kanila.

Pero sa makikita niyo ngayon, kailangan pa ba nilang magdagdag-bawas ng mukha or kung ano man ang dumaan sa kamay ni doc?


Gretchen Barreto:

What, in her face has been removed, enhanced? She is one of the most beautiful faces in Philippine cinema. Hindi ko rin alam kung saan sa mukha ang naretoke.

Meron pa bang kailangang baguhin? O baka naman marami lang siyang pera at di niya alam kung saan ilalaan.

Tinaguriang Satan’s Mistress. Kabit ng isang bilyonaryong negosyante ng Pilipinas.

Laging laman ng kontrobersiyal. Isa na doon ang pakikipaghalikan niya kay John Estrada na isa ring artista.

Katulad ko, hindi halata na may nabago sa mukha ko, parang natural lang.


Pops Fernandez:

Obvious naman na merong nabago sa mukha niya, I mean sa bibig niya.

Tinaguriang Angelina Jolie, ang bibig lang.

Kasi sa pagkakaalam ko ako ang original na Angelina Jolie ng Pilipinas.

Dahil sa braces ko kaya nagmumukha akong si America Ferrera ng Ugly Betty, pero maganda parin naman.

Ang hindi ko lang din mawari hanggang ngayon, tinawag siyang Concert Queen.

Sa totoo lang wala akong matandaang awitin ni Pops, dahil sa hindi ko rin gusto ang boses niya.

Eva Eugenio:

Pati ba naman siya, nakisama narin?

Tinaguriang Karen Capenters. Gusto ko rin naman si Eva, lalo na iyong mga musika niyang magandang pakinggan pag nasa bukid ka, kasama ang mga kalabaw, kambing, manok at mga kulisap.

Kung meron mang nabago sa mukha niya, kailangan siguro para sa international album niya na ewan ko kung natuloy ng irelease.

Parang ako, tinaguriang Hayok ng Videoke.

Bakit ganun ang titulong ibinigay? Hindi Queen of songs? Or Princess of Videoke?

Marami lang kasing mga naiinggit sa boses ko kasi kaya kung bumirit… bumirit pababa.


Nora Aunor:

Nakakagulat, nakakawendang, nakaka OMG ang ginawang rebelasyon ni Ate Guy.

E, bakit ba kasi Guy ang tawag kay Nora Aunor e hindi naman siya lalaki?

La Aunor used to sell cold water by the railroad tracks of Iriga City before becoming the grand champion of Tawag ng Tanghalan (Hagdanan sa Kabituunan in Bicol, meaning, Stairs to Stardom) then the most popular national amateur singing contest in the Philippines in 1967.
She is the only movie actress to receive the Centennial Honor for the Arts awarded by the Cultural Center of the Philippines in 1999, thus naming her Actress of the Century.

She is the first Filipino actress to win an International acting award in a MAJOR Film Festival (Cairo 1995 for the movie "The Flor Contemplacion Story") and the most number of best actress wins and nominations in a Major International awards (Cairo 1995, East Asia 1997, Brussels 2004), and nominations (Berlin 1983, Singapore 1997, Cairo 1999, Singapore 1999). She is the first and only Filipino actress to receive Certificate of Honors (Cannes 1981 and Berlin 1983.

Pero sa paglipas ng panahon, lumilipas din ang kasikatan, pero hindi kay La aunor.
Sa lahat ng mga nabanggit, si La Aunor lang ang may karapatan, hindi ko naman sinasabing panget siya.

Ang pagpaparetoke ay hindi nangangahulugan ng kalausan kundi hanggang sa ngayon mayroon paring naniniwala sa kanyang kakayahan, mayroon paring nagtitiwala.


Katulad ko, sa paglipas ng panahon, nakatatak na sa puso ng bawat kakilala ko ang tunay na ako, retokado man ako o hindi, pero hindi mareretoke ang akong pagkatao.

Maniniwala ba kayong pati si Evangeline Pascual ang dating Miss World First Runner Up 1973, para daw laging mukhang galit.

Si Nancy Castigleone, naging kamukha narin ni MJ, at inamin niyang pina enhance niya ang kanyang ilong.

Si Madame Auring, hindi na kagimbal-gimbal iyon, nauna pa yata siyang nagparetoke sa kanilang lahat.

No comments:

Post a Comment