Friday, July 2, 2010

Tiny Tino

andami ng nangyari sa loob ng mahigit dalawang buwang pagiging single

naroong makarating kahit saan

at ang latest?

naimbitahan ni princess urduja sa kanyang bagong kaharian

may mga lalaki, at nandun ang pinakaaasam-asam ni princess

at ang masaklap, dahil sa ganda ko, nakasiping ko ang lalaking iyon

masaklap para kay princess, pero masarap para sa akin...

Monday, June 14, 2010

matagal-tagal narin pala akong hindi nakakapag update ng blogs

tinamad lang siguro, walang bagong kwento ng buhay at pag-ibig

iniwanan at umaasang babalik

pero hanggang ngayon walang anino ng pagkasabik

sana wala na nga, ayokong maging MS HOPE...

anu kaya kung gawin na naman itong ala-xerex ang nobela?

hmmm pwede rin kasi sa loob ng ilang buwan kong pagkawala, at nawalan ng katabi sa kama

meron din nmn akong naging kasiping kahit ilang minuto lang

pinakamatagal na siguro ang limang minuto

Wednesday, April 21, 2010

Paglisan mo May Luha ang Mata Ko

April 20, 2010.

Qatar Airways.

Departure: Dubai to Manila 11:45 am Dubai International Airport.


Arrival: Manila to Dubai ????


Hindi ko naramdaman na magsaya ng todo ng dumating ang araw na ito.

Ngunit hindi rin ako nagngangangawa ng bongga dahil iiwanan na ako.

Basta ang masasabi ko, nahirapan akong matulog kagabi.


Kahit nanonood ng tv, mukha niya ang naaaninag ko.

Sabihin ko mang nawala ang pagmamamahal ko dahil sa mga dumating na kalamidad sa buhay namin, naging kasama ko parin siya, minahal at inaruga.


Hindi ako umiyak, may kunting patak lang, pero ang puso ko, nagsisigaw sa iyak.

Hindi ko man naranasan na maghalo ang sipon laway at luha, pero ang puso ko, isipan at pananabik, parang sukang isinaboy sa aking diwa.

Malaya na ako, malayo na siya.

Magsisimula akong muli simula sa una, pero siya kaya bang hanapin ang unang hakbang sa kinabukasan?

Nalulungkot ako, pero sana ngayon lang...

Thursday, April 15, 2010

Sisikat Din

Two weeks notice... hindi ito movie kundi 2 weeks na akong hindi nakakapag blogs.

Wala akong maisulat, marami akong naiisip.

Tuliro lang ang aking isipan.

Sa mga nagdaang pangyayari, ayoko munang umeksena.

Pero ito lang masasabi ko, darating din ang umaga, magandang umaga, maaliwalas, walang pangamba.

Sana sa pagsikat ng araw sa April 20, 2010, maramdaman ko ang tunay na sinag ng araw, marikit, malamyos,kaakit-akit.

Wednesday, March 31, 2010

Payments

Finally, just one of my credit cards has its outstanding balance arrived of 55 fils.

Tumambling parin ako kasi bakit may natira pang ganoong amount.

Kelangang bayaran dahil outstanding parin iyan, baka magbayad lang ako ng late payment charges of AED 150.00.

Pero hindi parin tapos ang kalbaryo ko sa linsyuk na credit cards na eto.

Meron pang natitira.

Mahabang panahon pa akong magbabanat ng buto para mabayaran etech.

Ang kailangan lang ngayon ay huwag paaapekto sa mga buy 1 take 1, sales up to 70%.

Sunday, March 28, 2010

Against All Odds

Tama nga ba na ang pag-ibig ay "against all odds?"

Tama kayong lahat.

Ang pag-ibig ay walang silbi, walang kwenta at walang kabuhay-buhay kung walang drama.

Ang pag-ibig ay laging labag sa kalooban ng ibang tao lalo na at madrama.

Nagiging makulay ang buhay kung mayroong drama, lalo na pighati, kalungkutan at sakitan.

Sa palagay niyo na walang away ang mag jowang singtamis ng strawberry ang lablayf sa mata ng tao?

Baka nga mas malala pa kung mag-away sila.

Infairness sa lablayf ko, madrama talaga, at ito'y bukas na libro sa nakararami, hindi lang parang bukas na libro kundi bukas na siya, nawawala pa ang cover, pati ibang pahina, pinunit narin para hindi na maibalik ang kwentong di kaaya-aya.

Pero kahit punit na at hindi na makita, nabasa na ng ibang tao, naitatak na sa kanilang mga isipan ang aking lab estori.

Parang Romeo & Juliet, Samson & Delilah, Ennis del mar & Jack Twist.

Ang pag-ibig ay hindi dapat idikta ng ibang tao.

At mas lalong hindi naididikta ng dalawang taong nagmamahalan.

Kung anuman ang dumating, dahil iyon ang dumating.

Kahit anong panlalait o panlilibak ng iba tungkol sa pag-ibig ng dalawang taong nagmamahalan, hanggang doon lang sila.

Hindi nila kailangang sabihin kung ano ang sa tingin nila ang tama.

"Hiwalayan mo na iyan, layasan mo na..."

Kahit gustuhin ng isa na makipaghiwalay kung ayaw naman ng isa.

Iyon nga lang, ang tingin ng ibang tao, masyado lang madrama.

Ang kaibigan ay nandiyan para gabayan at bigyan ng payo...huwag naman iyong nilait na nga, pinabayaan pa... at tingin sa iyo isang basahan na di dapat linisin dahil nakakasira sa kanilang dangal.

Hindi ko hinangad na kaawaan nila, at mas lalong hindi ko inisip na magpakumbaba.

Gawin man nila akong laman sa kuwentuhan, kung doon sila masaya, ok fine.

Eto pa ang matindi, bakit ang mga kaibigan, mas alam pa nila ang nangyayari kesa sa dalawang nagsasama?

Sana lang, sa muling pagbabago, magbago na rin ang kanilang pananaw.

Kumbaga, walang iwanan.

Kumbaga, "a friend in need is a friend indeed".

Huwag mabuweset sa mga nangyayari, bagkus ipakita parin ang iyong suporta kahit abot hanggang sukdulan na ang kabuwesetan sa iyong kaibigan.

Dahil, ang pag-ibig na "against all odds" ay hindi lamang nangyayari sa isang kaibigan, kundi tayong lahat makakaranas ng ganyan.

Malay niyo, mas malala pa pala ang nararanasan niyo, magaling lang kayong magtago.

Tuesday, March 23, 2010

Aasa pa ba ako?

Remember Jay?

Nagkita ulit kami sa kaarawan ni Princess Urduja.

My friend T’boli picked us up, and of course kasama si Kabit and by 7:00 PM we reached the vicinity of a party.

From gate down to the aisle, bongga ang presentations, may mga sulo, at marami naring visitors na hindi ko kilala.

When I introduced to them, taga Dubai daw sila, mga kabarangay ni Urduja sa Mindanao.

I recognized some of them like Baby rose and Poloy.

But what I care about that night was Jay.

Alam ng lahat na merong namamagitan sa aming dalawa at alam ko ring nararamdaman iyon ni Kabit. But pardon me, wala pang nangyayari sa amin.

In the corner of my eyes, I was staring at Jay. Nakasunod sa akin si kabit kahit saan ako magpunta.

Gusto ko sanang kausapin man lang o batiin pero umiwas narin ako dahil iba ang mangyayari kapag ginawa ko iyon.

Maraming pagkain, bumaha ang alak, pero binagyo sa dami ng mga lalaki.

Nababanaag ko ang tuwang nadarama ni Garampingat, marami na naman siyang mabibiktima.

Para siyang bampira na walang sasantuhin kung sinu man ang gustong kagatin.

Sa gabing iyon, hindi masaya ang ‘man of his life’, patungan ba naman ang lalaki kahit nasa harap iyong lalaki niya.

Well, balik sa akin, I find Jay even gorgeous sa suot niyang green shirt, at clean cut niyang hair. I love green ya know.

Pero wala akong magawa kundi pagmasdan nalang ang kanyang alindog. Meron ba siyang ganun?

Sa tuwing iniaabot niya sa akin ang tagay ko, (oo tagay ito, parang mga tambay sa kanto na nakikipag inuman sa mga sunog-baga), dumadapmi ang kanyang mga daliri sa aking mga kamay.

Hindi ko alam kung pagkakataon lang o sadyang dinadampi niya ito, at sa tuwing dampi, sinasabing…”musta kana mahal ko?” o kaya’y, “ang ganda mo ngayon, mahal ko.”

Pero wala akong naririnig na ganun, o baka masyadong mataas lang ang ilusyon ko sa kanya kaya pati mga titig niya ay binibigyan ko ng kahulugan…ng masamang kahulugan, parang sinasabing..”Bakit kasama mo iyang kabit mong iyan?” “gusto mo bang upakan ko na iyan.”

Pero binibigyan ko lang siya ng masarap kong ngiti na parang sinasabing…”Hayaan mo na mahal ko.”

Lumipas ang mga oras na walang pag-uusap ang nangyari. Titig at dampi lang, ewan ko rin ba kung nakatitig ba sa akin e madalim sa mga oras na iyon.

Grabe talaga ako mag-ilusyon.

O baka naman, ayaw na talaga sa akin dahil sa ako’y may kabit?

Sinabi ko na sa kanya noon na ayoko muna ng gulo, kaya pinangatawanan niyang huwag gumawa ng gulo.

Habang nagkakasiyahan kami, inuman, videoke, napansin ko, nawawala siya.

Naisip ko baka nasa toilet, jumijinggle or worse tumatae.

Ngunit ang nagpakabog ng dibdib ko ay hindi ko rin makita si Princess Urduja.

Napag-alaman ko noon kay Garampingat na gusto rin yata ni Urduja si Jay.

Dumaan ang ilang minuto, hindi ko parin nakikita.

Pinipilit kong maging masaya, para hindi naman mahalata ni kabit na nanginginig ako sa sobrang selos.

Bakit nga pala ako magseselos? E hindi naman kami, diba?

Pero ako, umaasa akong sa pagkawala ni kabit, magiging kami ni Jay.

Ilang minuto ulit ang lumipas, nakita ko narin siya sa wakas.

Lumabas galing sa kwarto ni Urduja.

Nagpapaalam na sila dahil maaga ang pasok kinabukasan.

Ang ikinatulala ko, lumabas din mula sa kuwarto si Urduja.

Ilang minuto ko ring minatyagan kung meron pang lalabas na tao, pero wala na.

Kaya pala kanina.

Naisip ko, baka isang special gift lang ang ibinigay ni Jay sa kaarawan ni Urduja.